Sunday , December 17 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Credit card na ipinadadala sa 2GO wala pa rin hanggang ngayon?! (Anong petsa na 2go?)
Credit card na ipinadadala sa 2GO wala pa rin hanggang ngayon?! (Anong petsa na 2go?)

Credit card na ipinadadala sa 2GO wala pa rin hanggang ngayon?! (Anong petsa na 2go?)

“BUKAS nasa inyo na ang credit card ninyo!”

Ganito umano ang pangako ng isang banko sa Caloocan sa isa nating ka-bulabog.

Kaya naman umasa siya.

Akala nga niya isang araw lang. Pero mag-iisang linggo na, wala pa rin ang kanyang credit card.

Nang tawagan niya ang 2GO, nangako naman na ihahatid na kanila.

Pero anong petsa na?!

Namuti na ang mata no’ng naghihintay wala pa rin. Kaya nga ginawa niya pinuntahan niya.

Aba alam ba ninyo kung ano ang sagot? “E ma’m makararating din ‘yon?! Hindi po ninyo puwedeng kunin kasi bawal ang pick-up. Hintayin na lang ninyo sa bahay ninyo.”

Wattafak!

Palpak na palpak ‘yang serbisyong ganyan.

Hanggang ngayon wala pa rin ang credit card ng ka-bulabog natin.

Hindi siya atat na atat magkaroon ng credit card, nag-aalala lang siya na baka ang dumating sa kanya ay bill agad ng banko na may utang na siya kahit wala pa ang credit card.

O ngayon, 2GO, nasaan ang credit card?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D’yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com