Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Male sexy star, nagbebenta ng ‘used’ underwear
Male sexy star, nagbebenta ng ‘used’ underwear

Male sexy star, nagbebenta ng ‘used’ underwear

IPINAKITA sa amin ng isa naming kakilala ang kanyang pakikipag-chat sa isang male sexy star. Sa kanilang chat, biniro niya ang male sexy star na gusto niyang bilhin ang “underwear” niyon.

Magugulat ka dahil nang sumagot iyon, nagtanong pa kung “used underwear” ang gusto. Tapos may ipinadala pa siyang picture na naka-underwear lamang siya. At ipinakita naman ng aming source ang mismong underwear na suot ng male sexy star sa picture na ipinadala sa mismong bahay niya sa pamamagitan ng messenger service.

Inamin ng aming source, nakatuwaan lang daw niya at nagpadala siya ng one thousand sa bank account ng sexy male star.

Ano ba naman iyan, talaga bang naghihirap na ang marami sa show business at pati iyang mga ganyang weird na negosyo ay pinapasok na. Nakapagtataka dahil may mga pelikula naman, at may TV show pa ang male sexy star na iyon. (Ed de Leon)

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved