Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ
Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ

Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ

HAHARANGIN ng Department of Justice (DoJ) ang ano mang hakbang para pahintulutan ang detinidong si Sen. Leila de Lima sa paglahok sa mga pagdinig kaugnay sa death penalty bill.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang pagtutol ng DoJ ay dahil sa katotohanang si De Lima ay nakakulong.

“When one is incarcerated, some of your rights and privileges are suspended, your right to participate is among them, like what happened to Senators Enrile, Jinggoy Estrada, and Bong Revilla,” giit ni Aguirre.

READ MORE:  Dagdag na sundalo, pondo sa AFP hiling ni Digong (Banta ng ISIS inamin)

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni De Lima, nais niyang lumahok sa mga deliberasyon sa ilang mahalagang mga panukala at iba pang official functions sa Senado, habang siya ay nakapiit.

Aniya, “I have refused to allow political persecution and harassment I suffer under the hands of the present administration to prevent me from fulfilling my electoral mandate.”

READ MORE:  Aftershocks sa Batangas 3 buwan aabutin (5.4 magnitude quake yumanig sa N. Samar)

Sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nila sa korte na pahintulutan si De Lima na makadalo sa mga ses-yon at committee hearings kaugnay sa mahalagang legislative agenda.

“We decided that in critical matters like ‘pag dumating ang death penalty bill sa Senado, hilingin namin na mapagbigyan si Senador De Lima,” ani Drilon, makaraan dalawin si De Lima sa piitan sa PNPCustodial Center.

READ MORE:  Lider ng magsasaka binistay ng bala

“Because she is a duly elected senator and therefore she has every right to participate in the proceedings in the Senate,” dagdag ni Drilon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved