Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / C/Insp Butsoy Gutierez karapat-dapat sa Manila police intel & ops unit ng MPD! (Attn: Gen. Jigz Coronel, Gen. Oca Albayalde at C/PNP Bato Dela Rosa)

C/Insp Butsoy Gutierez karapat-dapat sa Manila police intel & ops unit ng MPD! (Attn: Gen. Jigz Coronel, Gen. Oca Albayalde at C/PNP Bato Dela Rosa)

‘Yan ang hiling ngayon ng nakararaming tauhan at opisyal ng Manila Police District (MPD), na mailagay sa puwesto ang karapat-dapat na naging BEST PCP commander of the year na si C/INSP BUTSOY GUTIEREZ at kanyang operatiba.

Intact ang grupo at subok sa lahat ng aksiyon lalo pagdating sa operasyon kontra droga. Hindi gaya ng iba na tutulog-tulog o sadya raw umiiwas sa trabaho riyan sa MPD HQ!

Patunay ang malalaking huli ng shabu pusher sa area ng Plaza Miranda sa Quiapo ng grupo ni Major Butsoy.

Kaya sila ang madalas na frontliner at itina-task ni MPD director C/Supt. JIGZ CORONEL ngayon sa mga anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lugar sa lungsod katuwang ang MPD DSOU at DAID.

E bakit hindi pa pormal na hawakan ni Major Butchoy ang Manila Police Intel and Operating Unit ng MPD?!

Ang klase kasi ng trabahong pulis ng grupo ni Major Gutierez ang nararapat at kailangan ng liderato ni General Coronel sa MPD upang lalong lumakas ang giyera kontra sa ilegal na droga ng ating Pangulong Duterte.

Hindi gaya ng grupo ng isang alyas “Major Dayunyor” na puro delihensiya ang lakad at nagpapanggap na matinong pulis?!

Kaya kung gusto ni Gen. Coronel na maging matagumpay ang anti-criminality campaign ng MPD sa kamaynilaan ay huwag na siyang magpatumpik-tumpik na i-assign si Major Gutirez at mga tauhan sa MPD Intel & Ops unit!

Now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved