Wednesday , June 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Panggawa ng bomba natagpuan sa Quiapo
Panggawa ng bomba natagpuan sa Quiapo

Panggawa ng bomba natagpuan sa Quiapo

NADISKOBRE ng mga kawani ng Manila Police District (MPD) ang isang bag na naglalaman ng mga sangkap sa paggawa ng bomba, sa isang bahay sa Islamic Center sa Carlos Palanca St., Brgy. 648, Zone 67, Quiapo, Maynila, nang salakayin ng pulisya, kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni MPD Director Joel Coronel, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang bahay makaraan makatanggap ng sumbong at impormasyon na hinihinalang sangkot sa terorismo ang isang nangungupahan sa nasabing lugar.

Ikinasa ang pagsalakay sa nabanggit na bahay ngunit wala na roon sa lugar ang target.

Nakuha sa nasabing bahay ang isang baril at ang bag na naglalaman ng mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung may kinalaman sa naganap na pagpapasabog sa isang peryahan sa Quiapo, Maynila noong 28 Abril, na ikinasugat ng 13 katao.          (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved