Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kung sino pa ang kakampi… (Laglagan sa CA)
Kung sino pa ang kakampi… (Laglagan sa CA)

Kung sino pa ang kakampi… (Laglagan sa CA)

MAGIC 13 lang ang kailangang boto ni Madam Gina Lopez para makompirma bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) pero kinapos ang 9 botong nakuha niya mula sa 26 mambabatas na miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Narito ang mga mambabatas na hindi bumoto kay Madam Gina: Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Gringo Honasan, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Panfilo Lacson, Rep. Abraham Tolentino, Rep. Antonio Floirendo, Rep. Benhur Salimbangon, Rep. Joel Mayo Almario, Rep. Wes Gatchalian, Rep. Roy Loyola, Rep. Ronaldo Zamora, Rep. Rodito Albano III, Rep. Julieta Cortuna, Rep. Jerry Treñas, at Rep. Josephine Sato.

Hindi tayo nagulat sa ibang mga hindi bumoto pabor kay Madam Gina.

Bistado na naman ng bayan ang kartada nila at alam ng mamamayan kung sino-sino ang malalapit sa mga komprador burgesya at sa mga dayuhang kompanya na sumasaid sa likas na yaman ng bansa.

Nadesmaya lang tayo kay Sen. Alan Peter Cayetano.

Buong akala natin ‘e magkasama sila sa iisang bangka ni Madam Gina pero nakagugulat na inihagis niya ang hawak niyang sagwan sa kabilang bangka.

Si Sen. Alan Peter Cayetano ang unang-una sa listahan ng mga bumoto na tumutol sa kompirmasyon ni Madam Gina.

Wattafak!?

Totoo ang kasabihan, hindi kaaway ang nagkakanulo kundi ang mga inaakalang kakampi.

Doon sa 14 pang mambabatas na hindi pumabor kay Madam Gina, wala pong nakapagtataka sa kanila.

Kung hindi sila protektor o BFF ng illegal mining, sila mismo ang mayroong operasyon ng minahan na legal sa papeles pero ilegal sa aktuwal na operasyon.

Sabi naman ni Rep. Ronaldo Zamora, kulang daw sa qualification si Madam Gina…

Ano kayang qualification ang kulang kay Madam Gina?

‘Yun kayang qualification na hindi siya puwedeng pumabor sa interes ng mga burgesya komprador at mga dayuhang kompanya na kasabwat nila sa pagsaid at pagsira sa likas na yaman ng bansa para sa ikatataba ng mga bulsa nila?!

Naiintindihan na natin ngayon kung bakit hindi nangangamba si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa sinasabing tangkang pang-aagaw ng China sa ating mga isla…

Dahil mas dapat mag-ingat sa mga taong inaakalang kapartido at kakampi pero sila pala ang unang manlalaglag sa panahon na kailangan ang kanilang boto at suporta.

Ang isang positibong bagay dito — nalantad ang tunay na kulay ng mga nagsasabing kakampi sila ni Duterte.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Daan-daan milyong piso PCSO advertisements dapat imbestigahan na!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved