Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Gina Lopez laglag sa lobby money (Ibinuking ni Digong)
Gina Lopez laglag sa lobby money (Ibinuking ni Digong)

Gina Lopez laglag sa lobby money (Ibinuking ni Digong)

IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na korupsiyon sa Commission on Appointments (CA), ang dahilan nang pagkawala ni Gina Lopez sa kanyang gabinete.

Kamakalawa, ibinasura ng CA ang appointment ni Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kombinsido si Duterte, na inimpluwensiyahan sa pamamagitan ng kuwarta ng mga kalaban ni Lopez, ang mga mambabatas na bumubuo ng CA para hindi makompirma bilang DENR secretary.

READ MORE:  PH, China may ‘friendly understanding’ (Sa Scarborough Shoal)

“Sayang si Gina. I really like her passion. But you know how it is. This is democracy. But lobby money talks,” ani Duterte.

Nauna nang sinabi ni Duterte, ginagastusan ng mining executives na sapol ng kampanya kontra destructive mining, ang destabilisasyon laban sa kanyang gobyerno.

READ MORE:  Binatilyo itinumba sa Laguna

Aminado ang Pangulo na hindi niya kontrolado ang lahat ng sangay ng pamahalaan, ehekutibo lang ang kanya habang ang lehislatura ay Senate President at House Speaker ang pinuno at sa hudikatura ay Supreme Court Chief Justice.

“May mga gusto akong tao pero hindi ko kontrolado ang lahat pero I share powers. That is the process of check and balances,” ani Duterte.

READ MORE:  Pacman sumabak agad sa Senado (Pagbalik sa PH)

Samantala, itinalaga ni Pangulong Duterte si Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Alfredo Non bilang officer-in-charge ng ahensiya makaraan suspendihin ng tatlong buwan ang ERC chairman at chief executive officer na si Jose Vicente Sala-zar dahil sa mga kasong administratibo.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved