Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, walang kasalanan kung wala sa tono at nagmukhang background ng mga Binibining Pilipinas candidates
Daniel, walang kasalanan kung wala sa tono at nagmukhang background ng mga Binibining Pilipinas candidates

Daniel, walang kasalanan kung wala sa tono at nagmukhang background ng mga Binibining Pilipinas candidates

USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pagkanta ni Daniel Padilla sa Binibining Pilipinas. May nagsasabi kasing wala iyon sa ayos, pero mabilis naman ang fans ni Daniel na ipagtanggol siya.

Iyong sinasabi nilang nagmukhang background lamang ang mga candidates noong kumanta si Daniel, palagay namin hindi niya kasalanan iyon. Sinabihan siyang kumanta, hindi naman siguro naidirehe ng tama kung paano siya kakanta.

Iyon namang sinasabing na-off key ang kanyang pagkanta, alam ninyo sa ganyan maraming solusyon eh. In the first place, alam naman nila na hindi talagang singer si Daniel. Artista siya eh. Kung gusto nila ng perfect na kanta, dapat hindi siya pinakanta ng live. Puwede namang mag-recording na lang ng kanta eh. Isa pa, bakit ba siya ang kinuha roon? Siguro maliwanag naman na para makatawag siya ng interest ng publiko, para mas maraming manood sa venue at maging sa telebisyon. Nangyari naman iyon, napansin nga siya eh.

Palagay namin hindi dapat na maging issue iyon.

(Ed de Leon)

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved