Saturday , July 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lopez itatalaga sa ibang posisyon — Palasyo
Lopez itatalaga sa ibang posisyon — Palasyo

Lopez itatalaga sa ibang posisyon — Palasyo

HINDI isinasantabi ng Palasyo ang posibilidad na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Gina Lopez sa ibang posisyon.

Ito ay makaraan ibasura ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Lopez bilang DENR secretary.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa ngayon, nakatutok ang Pangulo sa paghahanap ng maaring pumalit sa puwesto ni Lopez.

Una rito, lumutang na ang pangalan ni Mark Kristopher Tolentino, maaaring pumalit sa puwesto ni Lopez.

Si Tolentino ay abogado ng Partido Demokratiko Pilipino, na kinabibilangan ni Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved