Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Makabuluhang papel ng obrero kinilala ng Palasyo
Makabuluhang papel ng obrero kinilala ng Palasyo

Makabuluhang papel ng obrero kinilala ng Palasyo

KINILALA ng Palasyo ang mahalagang papel ng mga manggagawang Filipino sa pag-iral ng makatao, makabayan at makatarungang lipunan.
“Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawang Filipino sa pagsulong ng mga karapatan para sa maka-taong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaang magpahayag ng saloobin. Kinikilala ng ating pamahalaan ang mga karapatang ito ng mga manggagawa,” nakasaad sa Labor Day message ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

READ MORE:  Misis itinurong utak sa pagpatay sa ex-husband na seaman
READ MORE:  3 anak, 8 pa, 8-oras ini-hostage ng businessman at 2 kaanak

Tiniyak ng Pangulo, sinisikap ng Department of Labor and Employment (DoLE), sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya, na makapagbigay ng libo-libong trabaho rito mismo sa ating bansa.

Ang bunga aniya ng paggawa ay nararapat na maibahagi nang patas sa lahat nang nakikilahok sa tunay na pagbabago.

READ MORE:  Imprenta ng balota iliban (Hirit ni Drilon)

Hinimok ni Duterte ang mga obrero na maki-pagtulungan sa gobyerno upang lalong mapagtibay ang pundasyon para sa mas payapa at progresibong Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top