Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)
DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)

DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)

PINAULANAN ng bala ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) kasabay ng Labor Day, sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon ka MPD PS5 chief, Supt. Emery Abating, dakong 4:15 am nang pagbabarilin ng mga suspek ang DoLE main building sa Muralla Drive kanto ng Gen. Luna St. sa Intramuros.

READ MORE:  P110-B kailangan sa Bangsamoro Dev’t Plan

Sa imbestigasyon ni PO3 Ferdinand Leyva, naka-duty ang security guard ng DoLE, na si Ruel Artezuela, 33, sa information/reception desk, nang biglang ratratin ng mga suspek ang main door ng tanggapan.

READ MORE:  PH bibili ng armas sa SoKor

Upang hindi tamaan ng bala, agad dumapa ang guwardiya hanggang tumahimik ang paligid. Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (BRIAN GEM BILASANO, may kasamang ulat nina Denny May Calago at Robeleyn Espinosa )

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved