Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Vindicated si Mayor Lim sa Torre de Manila; Petisyon ibinasura ng SC

Vindicated si Mayor Lim sa Torre de Manila; Petisyon ibinasura ng SC

00 Kalampag percyNAPATUNAYAN na tama si Manila Mayor Alfredo Lim at walang nalabag na batas matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng Knights of Rizal noong 2014 laban sa konstruksiyon ng Torre de Manila.

Sa botong 9-6, sinabi ng Supreme Court na walang batas na nagbabawal sa konstruksiyon ng Torre de Manila at walang personalidad ang naghain ng petisyon.

Ayon sa SC, “the petitioners have no standing to sue and that they failed to prove that they stand to suffer no injury.”

Ang siyam na mahistradong bumoto sa isinulat na desisyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio pabor sa Torre de Manila ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Bienvenido Reyes, Noel Tijam, Presbitero Velasco Jr., Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe at Marvic Leonen.

Samantala, ang anim na kumontra sa pagtatayo ng Torre de Manila ay sina Associate Justices Samuel Martires, Jose Mendoza, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Francis Jardeleza and Alfredo Benjamin Caguioa.

Matatandaan na unang ipinag-utos ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na ‘buang’ at ng Konseho ng Maynila na noo’y pinamumunuan ni dating vice mayor at talunang senatorial candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapatigil sa konstruksiyon ng naturang gusali.

READ MORE:  Congrats DPS-G2... Gen. Pagdilao at DAID “umiskor” ng P50M shabu

Pero makalipas lang ang ilang buwan ay para silang orchestra na kinumpasan at biglang nagbaliktaran nang payagang matuloy ang konstruksiyon ng Torre de Manila.

Kasabay niyan ang parang apoy na pagkalat ng malaking eskandalo, may naganap raw na ‘areglohan’ kaya biglang pinayagan na matuloy ang konstruksiyon ng Torre de Manila, ilang araw bago ang mag-Pasko noong 2014.

Ang balita, bukod sa kuwarta ay humirit pa ng kani-kaniyang condo unit sa DMCI ang ilang opisyal ng City Hall.

Sa madaling sabi ay pananakot ang talagang pakay kaya ipinatigil noong una ang konstruksiyon ng Torre de Manila para mapilitang maghatag sa mga tiwaling opisyal ng Manila City Hall na matatakaw sa pera.

Palibhasa’y sa masama nanggaling kaya ang kinita ng ilan sa kanila ay nauwi rin sa wala matapos maipatalo sa casino.

READ MORE:  Jinggoy palalayain ng Supreme Court?

Tama ba, ex-councilor Jhong Isip?

“FIX-CAL” NA ALAGA
NI BUANG, NASA UK

KASALUKUYAN daw nasa Europe ang isang prosecutor na pasimuno at utak ng demolition job laban kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Ang tinutukoy nating prosecutor ay namataang nagpapalamig sa London, UK ng ating impormante.

Siya ay inirekomendang mapuwesto nina suspected illegal drugs protector Leila de Lima at Sen. Franklin Drilon kay PNoy noong nakaraang administrasyon na mapuwesto bilang hepe sa isang lungsod sa Metro Manila.

Taong 2000 unang napuwesto si “Mr. Persecutor” sa isang lungsod sa Metro Manila habang hindi pa napapatalsik sa puwesto si Erap Buang bilang pangulo.

Ano kaya ang ginagawa ng hindoropot na alagang persecutor ni Erap Buang at saan niya kinuha ang limpak na salaping ginagastos sa kanyang paglilimayon sa Europe?

MAG-INGAT ANG JBC
KAY MR. PERSECUTOR

DAPAT mag-ingat ang Judicial and Bar Council (JBC) na magkamali sa pagpili ng kanilang mga irerekomenda dahil baka mapalusutan sila ng mga tulad ni Mr. Persecutor na bumababoy sa batas at katarungan. Kasama raw kasi ang pangalan ni Mr. Persecutor sa listahan ng mga kandidato para maitalagang mahistrado ng Court of Appeals (CA).

READ MORE:  Ex-Sen. Bong Revilla binalagoong sa hoyo?

Si Mr. Persecutor ay naitatalaga lang sa puwesto dahil sa kanyang koneksiyon sa politika at ang tanging maipagmamalaki ay magsipsip-buto sa mga politiko na tulad niyang walanghiya.

Sakaling hindi alam ng JBC, pinaniwala lang niya pero hindi totoong si Mr. Persecutor ang may akda ng naisabatas na Republic Act No. 10071 (An Act Strengthening and Rationalized the National Prosecution Service), gaya ng ipinangangalandakan sa mga kasamahang prosecutor sa DOJ.

Kayo na ang humusga kung anong klaseng nilalang si Mr. Persecutor na nagagawang ipagmayabang at angkinin ang RA 10071 kahit nakaharap ang tunay na may akda ng naturang batas.

Sa madaling sabi, mang-aagaw siya ng karangalan at isang klase ng nilalang na hindi mapagkakatiwalaan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved