Tuesday , June 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aspiring singer/composer, ‘di makaalagwa ang career
Aspiring singer/composer, ‘di makaalagwa ang career

Aspiring singer/composer, ‘di makaalagwa ang career

TAMA ang plano ng aspiring singer/composer na mangibang bansa muna para pagbalik niya ay mabango na siya ulit sa tao.

Ilang taon na rin kasi ang aspiring singer/composer sa music industry, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-penetrate nang husto sa industriya at natalo pa siya ng ibang baguhang singers na napapanood na weekly sa isang musical program na naroon ang mga kilala at magagaling ding singers.

Kung tutuusin, hindi naman nahuhuli ang timbre ng boses ni aspiring singer/composer sa mga kapareho niya ng linya dahil kaya niyang makipagsabayan.

Kaya nakapagtataka na parating ‘special guest’ ang pakilala sa kanya ng mga singer na nagkakaroon ng sariling concerts.

Anyway, siguro dapat baguhin ni aspiring singer/composer ang image parang may something na hindi namin maintindihan.

(Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved