Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 senior citizen patay sa sunog sa Davao City
2 senior citizen patay sa sunog sa Davao City

2 senior citizen patay sa sunog sa Davao City

DAVAO CITY – Patay ang dalawa katao sa sunog nang ma-trap sa kanilang kuwarto sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Nerio Roperos, 83, at Carmen Roperos, 73, residente ng Central Park, Subdivision Bangkal, sa lungsod ng Davao.

Ayon sa kapitbahay ng mga biktima, nakarinig sila nang malakas na pagsabog hanggang sa kumalat ang apoy.

Tanging ang house boy lamang ng mga biktima ang nakaligtas sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved