Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magkaibigan todas sa Bonnet Gang
Magkaibigan todas sa Bonnet Gang

Magkaibigan todas sa Bonnet Gang

KAPWA binawian ng buhay ang magkaibigan, dating sangkot sa ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng apat lalaking nakasuot ng bonnet sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na sina Ma-nuel Fajardo, 34, at Ramon Nisa, 35, kapwa residente sa Bayanihan St., Don Fabian Village, Brgy. Commonwealth, ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Guro sa Leyte, patay sa saksak ng ex-BF (Sa labas ng classroom)

Sina Fajardo at Nisa ay kapwa hindi umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center dahil sa mga tama ng bala  sa kanilang katawan.

READ MORE:  8-anyos, 3 bagets nalunod sa ilog

Dakong 10:00 pm nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng dalawang biktima.

Naglalaba si Fajardo habang kausap si Nisa nang pasukin ng mga suspek ang kanilang bakuran at sila ay pinagbabaril.

READ MORE:  1 patay, 1 sugatan sa ambush sa Malabon

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

Ang dalawa ay dati nang sumuko sa pulisya kaugnay sa pinatutupad na Oplan Tokhang.

(ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved