Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Iñigo, gustong maging inspirasyon sa mga kabataan
Iñigo, gustong maging inspirasyon sa mga kabataan

Iñigo, gustong maging inspirasyon sa mga kabataan

INAMIN ni Iñigo Pascual na mula nang nai-post ang kontrobersiyal na ‘smuck’ kiss video nila ng kanyang amang si Piolo Pascual sa social media ay hindi na siya tinantanan ng mga basher na nagsasabing mahalay ang ginawa nilang mag-ama.

Pinaratangan din siyang ginamit iyon para pag-usapan kasabay ng promo ng pelikula ni Piolo, ang Northern Star na balitang hindi masyadong nag-ingay sa takilya.

Gayunman, hindi apektado ang batang aktor sa mga komento ng mga basher bagkus, masaya pa nitong sinabi na kapo-post lang niya ng isa pang larawan na magkasama silang mag-ama na nag-make-face ang amang aktor na pakiramdam nito ay magkasing-edad lang sila ng kanyang anak.

Kaysa magpaapekto, masaya nitong sinabi na gusto niyang maging inspirasyon sa mga kabataan pagdating sa pagmamahal sa mga magulang.

Aniya, hindi dahil malalaki ay hindi na tamang ipakita ang kanilang pagmamahal sa mga nakatatanda.

“Dapat habang may natitira pang panahon sa matatandang miyembro ng kanilang pamilya ay nararapat na lalong iparamdam sa kanila ang pagmamahal.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved