Thursday , April 25 2024
gun dead

Kelot tigok sa bala sa ulo

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang riding-in-tandem kahapon ng mada-ling-araw sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Marlon Joseph del Rosario, ng Francisco St., Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police Distric (MPD) homicide section, dakong 12:05 am, inabangan ng mga suspek si Del Rosario at binaril paglabas niya ilang metro mula sa kinainang steak house sa harap ng NLC Residences, sa Estrada St.,  Malate.

Giit ng isang kaanak, walang kaaway at hindi sangkot sa ilegal na droga si Del Rosario, na pauwi na sana sa Baguio.

Blanko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pa-mamaril.

(BRIAN GEM BILASAN)

About Brian Bilasano

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *