Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gay comedian, hitsurang multo sa inuupahang bahay makapagtago lang sa landlady
Gay comedian, hitsurang multo sa inuupahang bahay makapagtago lang sa landlady

Gay comedian, hitsurang multo sa inuupahang bahay makapagtago lang sa landlady

TEKA, hindi ba’t maninirahan na sa isang condo unit ang gay comedian na ito? Buwelta namin sa nagtsika na pinagtataguan daw nito ang kanyang kasera.

“Condo unit? Parang hindi naman yata ako na-inform,” giit ng aming source. ”Kung ganoon, eh, bakit balitang-balita na hindi na umuuwi si (pangalan ng gay comedian) sa inuupahan niyang bahay dahil ayaw niyang magpakita sa landlady niya?”

READ MORE:  Ana, nilasap ang eksena kasama si Ate Guy

Hirit pa nito, ”As in hindi na nga siya umuuwi roon. At alam mo ba, para makaiwas sa kasera niya, ang ginagawa niya, eh, ‘pag nasa bahay na siya, pinapatay niya ang ilaw sa loob para kunwari, wala siya sa bahay.”

READ MORE:  Television contest winner, kumakalat ang compromising photo sa internet

At ‘di pa nakuntento, ”Gusto mo pa ng tsika? Kapag maliligo naman siya, eh, dahan-dahan lang siyang magbubuhos ng tubig sa katawan niya para hindi marinig ang ingay ng tubig. Nakapatay din ang ilaw sa banyo, hitsurang kinakapa-kapa lang niya sabon, timba, tabo, at tuwalya niya!”

READ MORE:  FBOIS ng Viva, pinagkakaguluhan at tinitilian

Da who ang gay comedian na ito na malaki rin daw magpatalo sa e-games ng kanyang kinikita mula sa mga pinanggagalingang show? Itago na lang natin siya sa alyas na Athena Gaisano.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved