Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 motorcycle rider tigok sa truck
2 motorcycle rider tigok sa truck

2 motorcycle rider tigok sa truck

PATAY ang dalawang ‘di pa nakilalang motorcycle rider nang bumangga ang kanilang sasakyan sa kasalubong na truck sa Quirino Avenue extension sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Salaysay ng pahinante ng truck na si John Lev Nuevo, nasa tamang lane ang kanilang sasakyan nang makita niyang humaharurot ang motorsiklo sa kabilang lane, at ini-overtake ang isang sasakyan.

Sa bilis, hindi natantiya ng mga biktima ang kasalubong na truck kaya sila sumalpok.

Galing Marilao, Bulacan ang truck na magde-deliver ng baboy sa Commonwealth market.

Nakakulong sa himpilan ng pulisya ang driver na si Joemel Nuevo, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved