Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Rent-tangay ‘suspect’ itinumba
Rent-tangay ‘suspect’ itinumba

Rent-tangay ‘suspect’ itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isa sa mga suspek sa “rent-tangay” o car rental scam, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa labas ng kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, dakong 3:00 pm nang pagbabarilin ang biktimang si Eleanor “Leah” Constantino Rosales.

READ MORE:  Mag-ina nalitson sa Cavite

Sa CCTV footage, makikita si Rosales na bumaba mula sa isang SUV at papasok sana sa gate ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at tumabi sa kanya.

READ MORE:  Sanggol inilaglag, 26-anyos ina kinasuhan ng aborsiyon

Napatakbo si Rosales ngunit hinabol siya ng isa sa mga suspek at binaril nang malapitan hanggang sa matumba sa gitna ng kalsada.

Hindi mamukhaan ang riding in tandem dahil sila ay naka-helmet at naka-cap. Napag-alaman ding walang plaka ang motorsiklong ginamit ng mga suspek.

READ MORE:  HK media pinalayas sa APEC coverage (Binastos si PNoy)

Ayon sa Sta. Rosa police, kagagaling lang ni Rosales sa pagdinig kaugnay sa car rental scam case.

Sinasabing si Rosales ang secretary ni Rafaela Anunciacion, ang itinuturong utak sa scam.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top