Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Macabeo, Nepomuceno, Maronilla Mabuhay kayo!
Macabeo, Nepomuceno, Maronilla Mabuhay kayo!

Macabeo, Nepomuceno, Maronilla Mabuhay kayo!

 

MAHUSAY ang ginagawang pamumuno nila Customs Depcom Ariel Nepomuceno, Customs NAIA Collector Ed Macabeo, at MICP Collector Jet Maronilla sa kanilang mga puwesto.

Talagang serbisyo publiko ang kanilang ipinapatupad at hindi matatawaran ang kanilang ginagawa lalo sa pagsuporta sa mga mandato ng ating mahal na Pangulong Digong Duterte at Customs Comm. Nick Faeldon para sa ikaaayos ng Aduana at ng bansa.

Si Depcom Ariel Nepomuceno ng Enforcement Group ng Bureau of Customs ay ginagawa ang lahat  upang mas lalong maging maayos ang seguridad ng Aduana sa buong bansa sa lahat ng puwerto.

Mahusay siyang mamuno dahil maayos lahat ang pamamalakad ng kanyang district commanders at subport commanders.

Marami na tayong narinig na magandang katangian ni Depcom Ariel at isa na ‘yung pagiging matulungin niya sa mga nangangailangan.

Isa rin siyang mapagmahal na anak sa kanyang magulang at pagiging isang tunay na ama sa kanyang mga anak at asawa.

Siya ay maka-Diyos, may malasakit sa lahat at laging pinapakinggan ang ibang opinyon ng kanyang mga tauhan lalo sa ikagaganda ng kanilang organisasyon.

Sabi nga ng mga nakausap ko, si Nepomuceno ay isa sa mga asset ng gobyerno at handang gawin ang lahat matulungan lang ang Pangulong Duterte sa kanyang pinaglalaban lalo sa pagsugpo ng ilegal na droga.

Dobleng paghihigpit ang pagbabantay nila sa mga nagtatangkang magpuslit ng ilegal na droga sa ating bansa.

Keep up the good work sir Ariel! Mabuhay ka!

***

Isa rin sa nakasuporta sa pagsugpo ng ilegal na droga at hindi nagpapabaya sa kanyang trabaho ay si BOC-NAIA district Collector Ed Macabeo.

Marami na siyang napatunayan sa kanyang trabaho at malaki ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kanya dahil alam natin na ‘di siya nagpapabaya sa kanyang sinumpaang trabaho.

Maraming nagsasabi na ubod nang sipag, bait at talino ni Coll. Macabeo at ito ay napatunayan natin sa pagmo-monitor sa customs.

Hindi lang sa pagkalap ng koleksiyon siya magaling kundi magaling rin sa pagsugpo ng smuggling sa NAIA.

Marami na ang kanyang mga natanggap na commendation na nagpapatunay na isa siyang opisyal na tapat na naglilingkod sa tao at sa gobyerno.

Mabuhay ka Coll. Macabeo!

***

Isa sa mga batang opisyal ng customs na asset din ng gobyerno ngayon ay si Atty. Vincent ‘Jet’  Maronilla ng Manila International Container Port.

Walang maririning na reklamo laban sa kanya kasi ang ugali niya ay napakabait at may mababang loob para sa tao.

Subok na siya sa serbisyo publiko na napatunayan natin ‘yan sa matagal na panahon.

Maraming humahanga sa kanya dahil sa bukod sa napakasipag ay napaka-humble pa.

Lahat ay tinutulungan kapag may problema sa kanyang puwerto.

Pero kapag may mali sa mga papel ay ‘di niya pinapayagan ang baluktot na trabaho.

Pride siya ng Bicol at pinatunayan niya na kaya niyang umangat sa kanyang posisyon basta tapat ang paglilingkod sa bayan.

Mabuhay ka Coll. Maronilla!

God bless us all!

PAREHAS – Jimmy Salgado

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved