Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / May nambabato ng sasakyan sa boundary ng Catmon at Bulac Sta. Maria, Bulacan
May nambabato ng sasakyan sa boundary ng Catmon at Bulac Sta. Maria, Bulacan

May nambabato ng sasakyan sa boundary ng Catmon at Bulac Sta. Maria, Bulacan

Nanawagan po tayo sa mga motorista na dumaraan diyan sa boundary ng Catmon at Bulac, Sta. Maria, Bulacan, doon sa gawing ginagawa at hinuhukay ang kalsada, mag-ingat kayo dahil mayroong  nambabato ng sasakyan.

Isang  ka-bulabog natin ang binato sa windshield ngunit pinalad na hindi nasapol ng kung sino mang may gawa ng pambabato na ‘yan.

Supt. Ranier Valones, Sir, puwede bang paki-rekorida mo ang area na ‘yan sa boundary ng Catmon at Bulac. Huwag na po nating hintayin na tumama muna ang bato sa sasakyan bago umaksiyon.

Inuulit lang po ng inyong lingkod, may nambabato ng mga sasakyan sa area na ginagawa ang kalsada sa boundary ng Catmon at Bulac. Mag-ingat!

Aksiyon Kernel Valones!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved