Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / James, inayawan si Angel
James, inayawan si Angel

James, inayawan si Angel

NAGTUNGO sa Toronto, Canada si Coco Martin bago mag-Mahal na Araw pero hindi para magkaroon ng bakasyon grande kundi para  harapin ang trabaho. Dala ng aktor ang kanyang Coco X Funtastic 4 na kinabibilangan nina Pokwang, Chokoleit, Pooh, at K Brosas. Nagsimula ang kanilang palabas noong Abril 7 sa Toronto at nagtapos sa Los Angeles, California kahapon, Abril 15.

Sa isyung Angel Locsin at James Reid, napag-alaman na mas gustong makasama ni Angel si Coco kaysa kay James sa isang proyekto. Nag-ugat ang isyu sa nabalitang pag-ayaw ni James sa aktres dahil nagalit ito noong tapatan ng pelikula ni Angel ang pelikula nila ni Nadine Lustre.

Sinasabi ring intimidated si James kay Angel dahil sa galing nito kaya tiyak na hindi siya komportable na maka-eksena ang aktres.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved