Thursday , June 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon-Gabby movie, ‘di na talaga matutuloy; Mega kay Robin na lang ipapareha
Sharon-Gabby movie, ‘di na talaga matutuloy; Mega kay Robin na lang ipapareha

Sharon-Gabby movie, ‘di na talaga matutuloy; Mega kay Robin na lang ipapareha

HINDI na matutuloy ang reunion movie ng dating mag-asawang Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil hindi kakayanin ng schedule ng aktor lalo’t may dalawang show siya sa GMA 7.

Base sa post ni TV Patrol correspondent, Mario Dumaual, ”Statement of Gabby Concepcion on pending reunion movie with Sharon Cuneta. Released April 6, 2017 thru Therese Ramos, Gabby’s manager:

“Gabby Concepcion has always wanted to do a movie with Sharon Cuneta. However due to his tight schedule and current commitments it will not be possible anytime soon. We will study our option in 2018.”

Nalungkot naman si Sharon tungkol dito kaya nag-post na rin siya sa kanyang FBaccount na humihingi ng dispensa sa mga umaasang supporters nila ni Gabby sa hindi pagkakatuloy ng pelikula na ididirehe sana ni Cathy Garcia Molina.

”Thanks for all your prayers and I am sorry it’s not pushing through,” post ng aktres.

Ayon pa, may ibang movie project na gagawin sa Starcinema ang Megastar, ”But please be happy for me—because I am very happy with my new project which Star Cinema is now preparing! God bless us all. Good night and love you guys!”

Hindi nagbigay ng detalye si Sharon kung sino ang makakasama niya sa sinasabing movie project pero duda namin ay si Robin Padilla ang nasa isip ng Starcinema dahil nakausap kamakailan ang aktor at tinanong kung okay sa kanya na magtambal sila sa pelikula ni Megastar.

Kaagad namang um-oo si Binoe dahil malaki ang utang na loob niya sa kanyang ‘Ma’am Sharon’ dahil baguhan palang siya noon sa showbiz nang pumayag na ang Megastar na makasama siya sa pelikulang Maging Sino Ka Man (1991) na ang direktor ay si Eddie Rodriguez na naging blockbuster na sinundan ng Pagdating ng Panahon noong 2001 na idinirehe ni Binibining Joyce Bernal na kumita rin nang husto.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved