Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Nakiki-Duterte si Isko Moreno

Nakiki-Duterte si Isko Moreno

00 Kalampag percyITINANONG ng isa sa mga tagapakinig natin kung ano raw ang ginagawa ng talunang senatorial candidate at dating vice mayor ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa larawang kuha kasama ang mga negosyador ng pamahalaan sa GRP-NDFP.

Sino man sa kasalukuyang administrasyon ang dinidikitan ni Isko ay tiyak na pansariling interes lang ang pinahahalagahan, kesehodang mantsahan ang isinusulong na kampanya ni Pres. Digong laban sa mga tiwali.

Walang ibang pakay si Isko, tulad lang siya ng ibang walanghiya na humahanap ng paraan kung paano maipagsasaksakan ang sarili sa administrasyon ni Pres. Rodrigo R. Duterte.

Sa Hunyo kasi ay magtatapos na ang one-year ban kaya maaari nang makapagtalaga si Pres. Digong ng natalong kandidato na tumakbo sa nakaraang halalan.

Kung ‘di man ay malamang na idinidiga ni Isko na sila ng kanyang makakatambal, ang kanyang si Honey Lacuna-Pangan ang manonombrahang kandidato sa pagtakbo, bilang alkalde at bise alkalde, ayon sa pagkakasunod, ng administrasyon sa Maynila para sa 2019 midterm elections.

Hindi pa tapos ang plunder at iba pang kaso ng katiwalian laban kay Isko sa tanggapan ni Ombudswoman Conchita Carpio-Morales.

Ang nakapagtataka ay hindi umuusad ang nakabinbing plunder case laban kay Isko sa pandarambong nang mahigit kalahating bilyong piso kaugnay ng nabulgar na ‘Ghost Employee Scam’ sa office of the vice mayor at ng City Council sa Maynila, ilang taon na ang nakararaan.

Ang mga tulad ni Isko ay pabigat na bagahe at imbes makatulong ay makasisira lang sa kampanya na isinusulong ni Pres. Digong at ng administrasyon laban sa mga magnanakaw at mga mandurugas sa pamahalaan.

Pag-abuso at pagsasamantala sa kapangyarihan ang dahilan kung bakit pinarushan ng mga Manilenyo si Isko kaya sa Maynila mismo ay talo siya sa pagtakbong senador noong 2016 election sa ilalim ng tiket nina Grace Poe at Chiz Escudero.

Kaya dapat lang mag-ingat ang pangulo na magamit siyang deodorizer ni Isko na mabantot ang pagkatao at pangalan sa politika kaya nakiki-Duterte.

Kumbaga sa sigarilyo, may tatak na: “Warning: Isko is hazardous to public interest.”

Tama ba, ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada?

Si Isko ay kagaya ng kanyang dating among si Erap na nakiki-Duterte, dumidikit sa nasa puwesto para makinabang.

KAMAY NA BAKAL

“Kapuna-puna ngayon na karamihan sa ating mga mamamayan lalo na ang ating mga opisyales sa pamahalaan ay hindi na marunong sumunod sa batas.  Hindi ba bawal ang corrupt, bawal ang maki-apid, bawal ang kumuha ng mga bagay na hindi mo pag-aari?  Bakit nangyayari ito sa ating kapanahunan? Na tila baga mas sila pa ang nakatataas sa batas. Tulad na lang sa nangyari kina Sec. Sueño ng DILG, Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez, mga lider ng KADAMAY at mga opisyal sa Bureau of Immigration at iba pang opisyal na umamin na marami siyang girlfriends.  Nakalulungkot isipin na majority sa atin ay purong Katoliko pero lihis naman ang ipinaggagawa sa turo ng Kristiyanismo. Nasaan na ang values ng Filipino? Dapat talagang baguhin ang sistema na tanging si PDU30 ang makapagpapabago sa tinatahak na maling landas. Kamay na bakal at political will lang ang katapat nito.” (Alejandro A. Florada, Mabalacat, Pampanga)

NAG-IMBESTIGA
SA GDI TAX CASE
NAIPIT, NAGRESIGN

FROI DE SILVA – “’Yung kaso ng Golden Donuts, Inc. (exclusive franchisee of global brand Dunkin’ Donuts) ay tungkol sa umano’y tax deficiency ng naturang kompanya na umabot sa P1.56-B. Ang GDI ay kompanyang pagmamay-ari ng pamilya Prieto. Ang isa sa mga officer nito ay si Marixi Rufino-Prieto na siya rin chairperson ng Phil. Daily Inquirer. Isang dating revenue commissioner, si Othello Dalanon na naka-assign noon sa BIR national investigation division ang nakatuklas sa naturang anomalya noong 2008.

Makailang beses ini-report ni Dalanon sa noon ay BIR chief Kim Henares pero imbes imbestigahan ay nalagay pa siya sa alanganin. Nag-file siya ng criminal and administrative case sa Ombudsman laban kay Henares at sa kanyang deputy commisioner na si Estela Sales dahil sa ‘intentional failure to collect P1.56B in tax deficiency.’ Nag-furnish din siya ng sulat patungkol sa naturang anomalya kay Sen. Francis Escudero at Department of Finance. Lumapit na rin siya kay dating Pres. B.S. Aquino pero wala ring nangyari. Si Dalanon ay nag-resign na noong 2013.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved