Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Guro patay, 15 sugatan sa tumaob na dumptruck sa Quirino
Guro patay, 15 sugatan sa tumaob na dumptruck sa Quirino

Guro patay, 15 sugatan sa tumaob na dumptruck sa Quirino

CAUAYAN CITY – Patay ang isang guro habang 15 ang sugatan nang tumaob ang isang dumpstruck sa Brgy. Victoria Aglipay, Quirino, kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Janice Pumaling, 27, walang asawa, at residente sa Cordon, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng Aglipay Police Station, ang mga biktimang sakay ng isang dump truck ay galing sa isang kasalan.

Ayon sa pagsisiyasat, tumaob ang dumptruck makaraan dumausdos sa pababang bahagi ng kalsada.

Isinugod ang mga nasugatan sa Aglipay District Hospital, at Quirino Province Medical Center upang malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Aglipay PNP ang driver ng dumptruck na si Dennis Umali, 35, para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved