Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / DOTr Secretary Arthur Tugade namumuro na nga ba kay Digong?
DOTr  Secretary Arthur Tugade namumuro na nga ba kay Digong?

DOTr Secretary Arthur Tugade namumuro na nga ba kay Digong?

PUMUTOK sa social media na si Transportation Secretary Arthur Tugade ay nasabon umano nang  walang banlawan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ilang buwan na lang at matatapos na ang one-year ban sa ma kandidatong talunan noong nakaraang eleksiyon.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maraming ‘ulong gumugulong’ matapos madale ng palakol lalo kapag umiinit ang ulo ng Pangulo dahil walang pag-asenso sa mga ahensiya o opisinang pinagtalagahan sa kanila.

Kung totoo man na nasabon nang walang banlawan si Tugade, palagay natin ‘e isa sa mga dahilan nito ang problema sa traffic na tila hindi man lang napag-iisipan kung paano gagaan.

Maraming sinabi si Tugade noong siya ay itinalaga ng Pangulo pero hanggang ngayon, ganoon pa rin ang traffic ng mga sasakyan sa lansangan.

Maraming nire-repair na kalye kahit hindi pa sira, kaya kabi-kabila ang hukay sa mga main thoroughfare.

Ilang beses na bang nagtigil-pasada ang iba’t ibang transport group, sa banta na tatanggalin sa kalye ang jeepney.

Siyempre marami ang tututol, kabuhayan ang nakataya riyan!

Ang siste, hindi man lang kasi nag-offer ng alternatibo, naturalmente, mag-aalboroto ang transport groups.

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring problema sa LTO at LTFRB pero wala pa tayong naririnig na naglilinis si Tugade sa dalawang tanggapan na ‘yan?!

Ano ba talaga Secretary Tugade? Naiintindihan mo ba talaga na gustong magsulong ng pagbabago ng Pangulo?!

E bakit walang nakikitang pagbabago ang sambayanan?

Bingo na ba, Secretary Tugade?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved