Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barry Manilow, umaming bading kahit ‘di na kailangan
Barry Manilow, umaming bading kahit ‘di na kailangan

Barry Manilow, umaming bading kahit ‘di na kailangan

EH si you-know-who, kailangan pa ba? Aba, ang latest mula sa Amerika ay umamin na pala si Barry Manilow na siya ay bading. Napakatagal ng bading. At matagal na ring “lihim” n’ya na asawa ang lalaking manager n’ya na si Garry Kief.

Ulat ‘yan ng news website na Huffington Post na sikat na sa buong mundo. Kasing sikat na ng global wire services na Reuters at Agence France Presse. Kasing sikat ng CNN.

Pero kailangan pa bang umamin ni Manilow na bading siya? Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Noon pa naman alam ng mundo ‘yon. Nakalilok naman sa mukha n’ya ang pagiging bading. Malamang nga ay pati sa mga kanta n’ya ay nakaprograma na ang kabadingan n’ya.

At ‘yon ang dahilan kaya wala nang nagdududa sa kasarian n’ya noon pa man. Wala na ring nag-aaksaya pa ng panahon at laway na tanungin siya kung bading siya.

Obvious naman kaya bakit kailangan pang itanong.

At dapat yatang ganyan na lang din ang gawin natin sa napakasikat na aktor na mukhang hirap na hirap nang magpanggap na lalaki siya. Kung sino-sino na ang ginagamit n’yang babae para pagtakpan ang sarili n’ya.

Abangan at basahin ang iba pang detalye tungkol sa Pinoy actor na ‘yon sa Hataw tabloid na may print at online editions.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved