Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4,000 inmates isasailalim sa libreng HIV test (Sa Cebu City Jail)
4,000 inmates isasailalim sa libreng HIV test (Sa Cebu City Jail)

4,000 inmates isasailalim sa libreng HIV test (Sa Cebu City Jail)

CEBU CITY – Nagpapasalamat si Cebu City Councilor Dave Tumulak sa City health at sa Department of Health (DoH) sa Cebu, dahil agad tumugon sa kanyang panawagan na tulungang linisin ang selda at gamutin ang inmates ng Cebu City Jail, upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit sa loob ng pasilidad, lalo ang kaso ng HIV sa mga preso.

READ MORE:  2 ex-solon kinasuhan sa PDAF scam

Ayon kay Tumulak, magbibigay ng libreng serbisyo ang City Health at DoH sa nasabing pasilidad, at magsasagawa sila ng libreng X-ray para malaman kung may mga presong nagkakasakit ng tuberculosis.

READ MORE:  Palasyo nakiramay sa Pamilya Pawa

Binigyang-diin ni Tumulak, magsasagawa rin ng libreng HIV testing sa lahat ng preso sa city jail dahil naniniwala si-yang mas marami pang mga preso ang mayroon nito bukod sa mga una nang nakompirmang may HIV.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved