Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

14 drug suspect tiklo sa buy-bust

LABING-APAT katao ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa magkakahiwalay na lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Dakong 5:30 pm, nang maaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDIU) sa buy-bust operation sa pagitan ng 4th at 3rd Avenue, 2nd St., Brgy. 118, Caloocan City si Leonardo Astillero, 25, at Aubery Mae Bagood, 20-anyos.

Nadakip ng DDIU si Elmer Razo, 45, ng Guido 1, Brgy. 33, Maypajo, dakong 5:30 pm habang nakompiskahan ng isang sachet ng shabu si Elizabeth Razo, 33-anyos.

Nasakote ng mga tauhan ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Team si Marvin Moran, 34, sa drug buy-bust operation sa 192 Libis Quicico, Brgy. 24, habang sina Manuel San Pedro, 46, at Ma. Enrica Espiritu, 25, ay nahuli habang gumagamit ng shabu sa naturang bahay.

Sa Malabon City, nadakip ng mga tauhan ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit sa buy-bust operation sa Pa-radise Village, Brgy. Tonsuya dakong 11:30 pm si Jesus Bayumbon, 42, at kanyang asawa na si Estrelita, 47-anyos.

Timbog si Ronald Marabe, 22, ng Market 3, Brgy. NBBN, Navotas City sa buy-bust operation dakong 11:30 pm sa nabanggit na lugar.

Sa Valenzuela City, naaresto ng mga tauhan Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PSI Milan Naz, sa drug-buy-bust operation sa 4279 Diam St., Gen. T. De Leon dakong 10:30 pm sina Ernesto Pasia, Jr., 47; Roderick Momay, 35; Joery Gonzales, 35, at Jovie Gonzales, 30, nakompiskahan ng walong sachet ng shabu. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …