Saturday , April 20 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Let’s pray for Syria let’s pray for world peace

ISANG mensahe po ang ating natanggap.

Ito po ang nagaganap ngayon sa Syria.

Kamakalawa ay ika-100 anibersaryo ng paglahok ng Estados Unidos sa World War I (WWI). Nagkataon na kahapon rin ang nakagugulat na 180 degree turn-around decision ng US na hindi siya makikialam sa Syria ay inilunsad ang  59 Tomahawk missiles bilang “flexible deterrent action” para ipakita ang tugon laban sa chemical attack ni Assad.

Walang umaatras. Tinawag ito ng Russia na insulting “Trumped up” move at nakatakdang gumanti.

040917 Syria

Bumagsak na ang Global stocks, sumirit ang oil prices at ang UN countries ay komplikado ang mga posisyon.

Bantayan po natin ang mga susunod na kaganapan sa ating panahon.

Patuloy po tayong magdasal na huwag humantong sa World War III, ang nagaganap sa Syria.

Let’s keep our fingers crossed.

BIG ONE IS COMING,
MAGHANDA
AT MAGING LIGTAS

071016 lindol earthquake phivolcs

Huwag na po natin pagdudahan ang babala ng PhiVolcs na mayroong nakaambang “Big One.”

Batay sa sunod-sunod na lindol at aftershocks, mayroon nga.

Hindi po natin kayang pigilan ang batas ng kalikasan.

Ang puwede lang natin gawin ay maging handa. Ihanda po natin ang emergency kits at turuan ang mga matatanda at bata kung paano poprotektahan ang sarili sa oras na dumating ang Big One.

Ituro rin kung saan ang itinakdang evacuation centers ng NDRRMC.

Huwag mahiyang mag-earthquake drill ang bawat pamilya sa inyong mga tahanan.

Huwag po nating hintayin na sabihin sa ating sarili na, nasa huli nga ang pagsisisi.

Higit sa lahat, huwag po kalimutang magdasal sa  Dakilang Tagapagligtas.

Maghanda! Magdasal at magtiwala!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *