Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pangamba sa terorismo pinawi ng AFP (2 ISIS bombers matapos maaresto)

Pangamba sa terorismo pinawi ng AFP (2 ISIS bombers matapos maaresto)

INIHARAP sa media nina Department of Justice Secretary Vitallano Aguirre II, at National Bureau Investigation Director Dante Gierran, ang mag-asawang hinihinalang mga miyembro ng teroristang grupong ISIS, na sina Rafah Zina Dhafiri, at Hussein Azo Aldafiri, makaraan madakip ng mga operatiba ng NBI, Bureau of Immigration at PNP sa BGC,Taguig. (BONG SON)

WALANG dapat ipangamba ang publiko sa seguridad kasunod nang pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers, sinasabing mga miyembro ng teroristang grupong ISIS.

READ MORE:  QCPD official bumulagta sa tandem

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, ginagawa ng militar at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat para maiwasan ang ano mang terroristic activities sa bansa.

READ MORE:  P4+ rollback sa LPG ipinatupad

Sinabi ni Padilla, ang pagkakaaresto sa dalawang banyaga ay patunay sa kahandaan ng militar na tumugon sa ano mang banta.

READ MORE:  Cessna plane bumagsak sa Aurora (Piloto, estudyante sugatan)

Giit niya, para sa militar ay hindi ang banta ang kritikal bagkus ang kritikal dito ay abilidad ng militar na makapagresponde sa banta.

Tiniyak ng AFP, kaya nilang protektahan ang publiko laban sa ano mang mga banta.

Habang tumanggi ang militar na magbigay ng detalye kaugnay sa pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers.

“Based on our assessment we are leaning forward and we are proactively engaged with all these threats, once they become active, we can confidently say that we can protect you, our people, against these threats,” pahayag ni Padilla.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 
Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved