Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Planong multimodal transport system ng PRRC-LLDA, suportado ni Koko
Planong multimodal transport system ng PRRC-LLDA, suportado ni Koko

Planong multimodal transport system ng PRRC-LLDA, suportado ni Koko

Nagpakita ng lubos na suporta si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel kay Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executice Director Jose Antonio E. Goitia nang personal na ipinadala kamakailan si Chief of Political Division Ronwald Munsayac para suportahan ang mga programa at proyekto ng komisyon.

Iniharap ni Goitia ang mga bisyon at misyon niya sa PRRC sa tulong ni Architect Raymart Santos ng  Design Division na ipinakita ang Multimodal Transport System na magko-konekta sa Pasig River sa Laguna de Bay sa pamamagitan ng inter-linked transport services tulad ng ferry boats, light rail transits at road networks.

READ MORE:  Seguridad sa Chinatown tiniyak ng MPD (Sa Chinese New Year, Miss U event)

Pormal namang pinanumpa ni Goitia si Deputy Executive Director for Operations Gregorio Garcia na naging saksi pa si Munsayac at nangako ang miyembro ng PRRC-Laguna Lake Development Authority (LLDA) Technical Working Group na gagawin ang kanyang makakaya para matupad ang proyekto na tiyak lalutas sa sobrang trapik sa Metro Manila.

READ MORE:  Number coding sa Metro Manila sinuspinde

Humanga si Munsayac sa mga plano ni Goitia para sa PRRC sa pakikipagtulungan ng ibang kagawaran at ahensiya ng gobyerno.

“He has very ambitious plans for the Commission (PRRC) and he’s very hardworking. He has achieved a lot in less than a month as Executive Director of the PRRC,” pagmamalaki ni Munsayac sa presidente ng PDP-Laban San Juan City Council.

“His integrity is unquestionable and I firmly believe that he will implement the changes and improvements that comes with this administration. He truly is a partner of change. True to the ideals of PDP-Laban.”

READ MORE:  Duterte gusto nang tuluyang makalaya ang Filipinas mula sa kuko ng Amerika

Nagpasalamat naman si Goitia kina Pimentel at Munsayac gayondin kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pangakong lilinisin ang PRRC sa anomang korupsiyon ng mga dating nangasiwa sa ahensiya para sa wastong pagbabago na isinusulong ng gob-yerno.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved