Friday , April 26 2024
knife saksak

Malaysian nat’l todas kay misis

PATAY ang isang Malaysian national makaraan saksakin sa leeg ng kanyang misis, habang nagtatalo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Hope Hospital sa Quezon City ang biktimang si Mervin Roy Thanaraj, 27, ng Block 4, Lot 30, Bauhinia St., Tamara Lane, Kaybiga, Brgy. 166, ng nasabing lungsod.

Sumuko sa pulisya ang misis na si Gianne Carla Thanaraj, 26-anyos, nahaharap sa kasong parricide.

Batay sa ulat ng pu-lisya, dakong 2:00 pm, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa saktan ng biktima ang suspek at tinangka pang iuntog ang ulo sa pader.

Nakatakbo ang misis sa kusina, kumuha ng patalim at itinarak sa leeg ng biktima.

Sinabi ng suspek sa mga pulis, hindi niya sinasadya ang pagkaka-patay sa kanyang mister.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *