Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 holdaper tigbak sa parak
2 holdaper tigbak sa parak

2 holdaper tigbak sa parak

TUMIMBUWANG na walang buhay ang dalawang hinihinalang mga holdaper nang lumaban sa nagrespondeng mga tauhan ng Manila Police District Station 3, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala ay tinatayang 40-45 anyos at 30-35 anyos.

READ MORE:  Sagot ni De Lima kay Kat Alano: Maghain ng kaso

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 3:05 am naganap ang insidente sa madilim na panulukan ng Yuseco at Oroquieta streets, sa Sta. Cruz.

Ayon kay MPD PS3 commander, Supt. Santiago Pascual III, bago ang insidente, isang hindi nagpa-kilalang caller ang tumawag sa himpilan at iniulat ang naganap na holdap sa nabanggit na lugar.

READ MORE:  Mag-aama timbog sa 12 chop-chop motorcycles, shabu sa drug ops sa Isabela

Mabilis na nagresponde ang mga pulis at namataan ang dalawang suspek na kapwa armado ng baril.

READ MORE:  Security officer tigok sa tarak (Backride sa trike)

Ngunit imbes sumuko, nagpaputok ang mga suspek dahilan para paputukan din sila ng mga awtoridad na kanilang ikinamatay.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved