Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Public plaza irespeto at gamitin sa mga legal na gawain — Digong
Public plaza irespeto at gamitin sa mga legal na gawain  — Digong

Public plaza irespeto at gamitin sa mga legal na gawain — Digong

Mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ang nagsalita, irespeto ang public plaza o ang mga liwasang pambayan o pambansa.

Ang mga plaza, ayon kay Pangulong Digong ay para sa gawaing magpapaunlad sa bawat mamamayan at makatutulong sa kabutihan ng komunidad.

Kaya nagtataka tayo kung bakit ang Liwasang Bonifacio o Plaza Lawton ay nagagamit sa mga ilegal na gawain at nagiging tambayan ng mga holdaper at snatcher.

Namamayagpag ang illegal terminal na mukhang pinagkakaperahan pa ng mga tiwaling barangay officials.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) legal daw ang mga terminal sa Liwasang Bonifacio.

E kung legal ‘yan, bakit hindi maglagay ng comfort rooms? Kung saan-saan lang umiihi ang mga driver at mga pasahero kaya namamanghi at napakabantot ng Liwasang Bonifacio.

Aba ‘e palitan na ng pangalan ‘yan — gawin nang Bonifacio illegal terminal!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved