Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JoChard project, uumpisahan na
JoChard project, uumpisahan na

JoChard project, uumpisahan na

MALAPIT na palang mag-storycon sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria para sa balik-teleserye at love team nila mula sa MNS (Malou N. Santos) unit, kuwento sa amin ng taga-ABS-CBN.

Tinatapos lang muna ang shooting ni Jodi ng pelikula na kinunan sa ibang bansa at pagkatapos ay magte-taping na sila ni Richard.

Hindi pa binanggit sa amin kung ano ang gist ng kuwento ng bagong teleserye ng Jo-Chard dahil nga hindi pa nadi-discuss sa dalawa.

Nakatutuwa naman ang loyalistang supporters ng JoChard dahil talagang mas excited pa sila kaysa kina Jodi at Richard sa muli nilang pagsasama at ngayon palang ay muli na naman silang nag-iingay sa social media na susuportahan nila ang project na ito.

Maging ang mga kababayang Pinoy sa ibang bansa ay naghahanda na rin sa nalalapit na teleserye ng kanilang paboritong loveteam.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved