Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Batangas quake ‘di magdudulot ng tsunami
Batangas quake ‘di magdudulot ng tsunami

Batangas quake ‘di magdudulot ng tsunami

INIHAYAG ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum nitong Martes, walang banta ng tsunami sa Batangas kasunod ng magnitude 5.5 earthquake na yumanig sa lalawigan.

Aniya, ang nasabing lindol ay hindi magdudulot ng tsunami.

“Hindi naman po ganoon kalakasan ang lindol, magnitude 5.4, dapat at least magnitude 6.5 or magnitude 7 (para mag-cause ng tsunami),” aniya.

“Ang characteristic po nang pagkilos ng fault diyan sa Batangas-Mindoro area ay horizontal. Hindi po ‘yan nagpapaangat ng tubig para mag-cause ng tsunami,” dagdag ni Solidum.

Ang epicenter ng lindol ay pitong kilometro sa hilagang kanluran ng bayan ng Tingloy, sa Batangas. Naganap ang lindol dakong 8:58 pm.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved