Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Holdaper sa bus patay off-duty cop (2 suspek arestado sa QC)

Holdaper sa bus patay off-duty cop (2 suspek arestado sa QC)

PATAY ang isang lalaki makaraan barilin ng off-duty na pulis, habang arestado ang dalawang kasabwat, nang tangkaing holdapin ang isang pampasaherong bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isang lalaki makaraan barilin ng off-duty na pulis, habang arestado ang dalawang kasabwat, nang tangkaing holdapin ang isang pampasaherong bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng madaling araw. (ALEX MENDOZA)

BINARIL at napatay ng isang off-duty cop ang isang holdaper sa loob ng bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng umaga.

READ MORE:  5 miyembro ng pamilya nilamon ng apoy

Sinabi ni PO2 Joselito Lantano, nakasuot ng civilian clothes, binaril niya ang suspek nang magpaputok ng baril, makaraan magdeklara ng hol-dap habang patungo sa Quezon Avenue flyover ang bus dakong 3:00 am.

Makaraan mapatay ang holdaper, hinanap ni Lantano ang dalawa pang suspek, habang iniutos sa mga pasahero na manatili sa kanilang upuan. Ngunit ang dalawang holdaper ay humalo sa mga pasahero.

READ MORE:  Akusasyon ng HK solon insulto sa Pinoy workers

Samantala, inihinto ng driver ang bus sa ilalim flyover na kadalasang may naka-standby na mga pulis.

Makaraan ang inspeksiyon, naaresto ng mga pulis ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Mark Lee Mahinay, security guard, at James Medrano, construction worker.

Nakompiskahan ang dalawa ng baril at patalim ngunit itinangging kasama nila ang napatay na holdaper.

READ MORE:  9 ninja cops dating nakatalaga sa QCPD-SAID (‘Ikinanta’ ng salvage victim)

Samantala, dalawa pang hinihinalang mga holdaper ang napatay ng mga operatiba ng QCPD sa V. Luna St., Pinyahan, dakong madaling araw kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Guillermo Eleazar, QCPD director, nakatanggap sila ng tip na isang gasolinahan ang hinoholdap sa V. Luna St.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis ngunit nagtangkang tumakas ang dalawang suspek at nang masukol ay nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na kanilang ikinamatay. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved