Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Concert nina Michael at Mitzki, susuportahan ni Vice Ganda
Concert nina Michael at Mitzki, susuportahan ni Vice Ganda

Concert nina Michael at Mitzki, susuportahan ni Vice Ganda

“SINCE this is my very first major concert, panay ang rehearse ko ng songs and dances na inihanda ko. I’m so nervous pero I’m very excited na rin kasi this is one thing I’ve always wanted to do aside from acting. My manager, Tita Anabelle Rama, always reminds me to be at my best kasi nga ang ka-back-to-back kong si Michael Pangilinan ay sanay na sanay na sa concerts. He has done many sell-out shows already while ako ay bago pa lang sa concert scene. Ha! Ha! Ha! Basta promise ko kina Tita Anabelle and Boss Vic del Rosario na huhusayan ko in the best of my capacity,” deklara ni Kara Mitzki, bagong Tanduay girl.

Yes, mayroon silang back to back concert ng Harana Prince na si Michael Pangilinan entitled 56K with Kara and Khel sa Sabado, April 8, 9:00 p.m..

Guests sina Duncan Ramos, Hashtag Nikko, Kiel Alo, Anthony Rosaldo, Ezekiel Hontiveros, at ang Unkaboggable Star Vice Ganda.

Ang musical director ay si Ivan Lee Espinosa. Back-up vocals sina Ms. Marnie Jereza and Mr. Sammy Gaddi kaya super havey ang dalawang oras na concert na ito.

“I am very excited to work with Ms. Kara Mitzki. Naging guest ko na siya last year sa isang Music Museum show ko and ang galing niyang mag-perform. Sing and dance kasi siya. Marami kaming bagong gagawin sa concert na ito kaya kita-kits tayo. Ako rin naman ninenerbiyos din eh. Everytime namang mag-show ako hindi talaga nawawala ang kaba kaya I always pray to God na aalalayan niya ako in every performance,” bulalas naman ng hitmaker na si Pangilinan whose latest album under Star Music are selling like hotcakes. His single  Hanggang Kailan is making a killing at the music charts.

“I love giving breaks to aspiring artists—basta ba kaya kong makatulong hindi ko ipagdaramot lalo pa sa mga batang malapit sa puso ko. Kahit hindi ko talent si Kara, parang anak-anakan ko na iyan. Mabait at masipag and determinado kaya natutuwa ako sa kaniya. Since maghu-Holy Week na, iiwanan muna namin kayo ng nakakalokang concert then next wekk, magninilay na tayo, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!” ani Jobert Sucaldito who manages Michael, Nikko, Kiel and Ezekiel.

“In short, family affair na naman ito dahil lahat ng kasali mga anak-anakan ko pati na si Vice Ganda at ang musical director na si Ivan Lee. Saan ka pa?” biro pa ni Jobert S.

56K with Kara and Khel is presented by Tapa King, Aficionado Germany Perfume, Estiara, Livergold, Quadro Frames, Hannah’s Beach Resort, Xentro Malls and by Isabela Governor Bojie Dy. Major sponsors include Mr. & Mrs. Henry and Lily Chua, Mr. & Mrs. Manny and Norski Garcia, Mr. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. Boy Abunda, Ms. Laarni Enriquez and Ms. Anabelle Rama.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved