Friday , March 29 2024

Cesar sa nagrereklamo sa kanya: lumantad ka at ‘wag magtago

NAGKAROON kami ng intimate lunch kay Chief Operating Officer na si Cesar Montano at ang mga director ng Tourism Promotion Board. Gusto na nilang mag-move on sa intrigang kinasangkutan ng TPB. Wala namang basehan at hinahamon ni Cesar na lumantad ang nagrereklamo at ‘wag magtago.

“Hindi puwedeng nakatago sila para mademanda rin sila. Ang dami nilang sinirang tao, eh.

“First, nakakahiya rito sa Viva, sinabi niya ‘yung JaDine (US tour concert) ay may kontrata na. Wala pang kontrata. Na-involved pa,” deklara niya.

Inamin naman ni COO Cesar na may offer proposal sa naturang proyekto. Maganda naman ang objective dahil iikot ang JaDine sa Amerika. Isa sa prioridad niya na mai-promote ang tourism sa US kasama ang China, Korea, Taiwan, at Japan. ‘Yan ang mga gusto niyang alagaan sa TPB dahil ‘yan ang mga major country na nagdadala ng tourism sa bansa.

Naniniwala si Cesar na maipo-promote ang tourism sa show ng JaDine dahil ang mga Filipino na manonood ay extension ni Montano at ng Tourism Promotion Board para hikayatin ng mga Filipino ang mga foreigner na dumalaw sa ating bansa.

Pinag-uusapan pa lang ‘yung proposal sa JaDine pero may nanira na at ayaw pang magpakilala. Sayang dahil iikot ito hanggang Middle East at mga 12 show ito. Kumbaga, mura ang magagastos ng TPB dahil mga 60% foreigners ang manonood.

Sinabi pa ni COO Cesar na dumadaan sa proseso ang mga pinakakawalang budget sa proyekto. Hindi siya pumipirma hangga’t hindi rin inaaprubahan ng board at komite. Hindi puwedeng siya lang ang mag-approve.

Aminado rin si COO Cesar na ibang klase ang intriga sa mundong ginagalawan niya ngayon kompara sa showbiz. Hindi nakatutuwa.

“Hindi naman natin kilala ‘yung umaaway sa atin, paano naman natin sasagutin? Mahirap makipag-away sa mga hindi nagpapakita, nasa dilim, ‘di ba? Ang umaaway sa ‘yo na nasa kadiliman, hindi mo maaway.. nasa dilim siya, eh samantalang tayo nasa liwanag. Ang makakapansin lang niyon ay nasa dilim din. Siguro nagkita-kita sila sa dilim. Pero tayo, our business is to promote tourism. Let’s stick to that. Kung sinuman ‘yung naninira na ‘yun, hayaan na natin siya. Let’s move  on dahil marami pa kaming idi-discuss para sa TPB,” makahulugan niyang pahayag.

Samantala, may proyekto rin si COO Cesar katuwang si Chairman Liza Dino ng Film Development  Council Of The Philippines (FDCP) na suportahan ang entries na ilalahok sa legit na film festival abroad gaya ng Cannes, Hongkong Festival, etc. na ipino-promote ang tourism sa bansa. Instead na naipo-promote ang mga lugar na hindi natin gustong ipakita sa ibang bansa,  kailangang bigyan sila ng budget na mag-shoot sa places  na magaganda na puwedeng pasyalan ng foreigners ‘pag nakita. Pero isinasaalang-alang din na dapat develop ang naturang lugar, may hotel na matutuluyan, malapit sa transportasyon para maengganyo ang mga turista.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *