Sunday , December 17 2017
Breaking News
You are here: Home / Sports / Alaska pinapaboran vs Blackwater
Alaska pinapaboran vs Blackwater

Alaska pinapaboran vs Blackwater

PINAPABORAN ang Alaska Milk Aces laban sa Blackwater Elite pagkatapos ng convincing na panalo nito sa una nilang laro. Magkikita ang dalawang teams sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup mamayang 4:15pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa ikalawang laro sa ganap na 7 pm ay magpupugay ang Star Hotshots laban sa Phoenix Fuel Masters.

Ginulpi ng Aces ang Globalport, 107-79 noong Sabado, sa pangunguna ni Cory Jefferson, isang last minute replacement para sa kanilang import. Si Jefferson ay nagtala ng 28 puntos at 14 rebounds.

Nakatuwang niya si Calvin Abueva na nagdagdag ng 15 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Hindi nakasama ng Aces sa larong iyon sina Vic Manuel, JVee Casio, Dondon Hontiveros, at Noy Baclao na pawang may injuries.

Ang Blackwater ay pinayuko ng Phoenix matapos ang double overtime, 118-116. Naubusan ng hangin sa ikalawang overtime period ang import ng Elite na si Greg Smith na hindi nakaiskor sa yugtong iyon. Si Smith ay nagtapos nang may 37 puntos at 30 rebounds.

Nakatulong niya sina Mac Belo na nagtapos nang may 21 at Roi Sumang at bagong lipat na si Michael DiGregorio na nagdagdag ng tig-11.

Magpaparada ng bagong import ang Phoenix sa katauhan ni Jameel McKay, isang beterano ng Australian League. Hinalinham niya si Eugene Phelps na gumawa ng carrer-high ng 54 puntos laban sa Elite. Si Phelps ay import ng Philips para sa third conference.

Ang Star ang unang semifinalist ng nakaraang Philippine Cup na lalaro sa torneong ito.

Pinapirma ni coach Chito Victolero bilang import ng Hotshots si Tony Mitchell. Susuportahan siya nina Marc Pingris, Paul Lee, Mark Barroca, Peter June Simon at Jio Jalalon.

(SABRINA PASCUA)

COMMENTS

About Sabrina Pascua

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com