Tuesday , October 24 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / MPD Malate station (PS9) natakasan ng 2 inmates! (Naglalagari ba si Supt. Rogelio Ramos?)
MPD Malate station (PS9) natakasan ng 2 inmates! (Naglalagari ba si Supt. Rogelio Ramos?)

MPD Malate station (PS9) natakasan ng 2 inmates! (Naglalagari ba si Supt. Rogelio Ramos?)

Nagtataka tayo kung paano natakasan ng dalawang inmates ang Manila Police District (MPD) Malate Station (PS9) gayong ang detention cell nila ay katabing-katabi lang ng sarhento de-mesa?!

Wattafak!?

Mantakin ninyo, nilagari raw ang rehas? Hindi ba narinig ng sarhento de-mesa ang paglalagari?!

Naalala natin noong early 2000, natakasan ng limang preso ang MPD Malate Station noong nasa Manila Zoo pa ang kanilang lokasyon. Ang detention cell nila noon nasa likuran. Kaya nakatakas ang mga preso kasi sa loob mismo sila ng Zoo dumaan.

Pero ngayong, katabi lang ng sarhento de-mesa ang detention cell, natakasan pa?!

Anak ng tokhang!

MPD PS9 commander, Supt. Rogelio Ramos, mukhang wala ‘yatang lespu ang estasyon ninyo?!

Bakit? Saan ba kayo naglalagari?!

Tsk tsk tsk…

MPD director, Gen. Jigz Coronel, Sir, pakipasyalan naman ‘yang Malate Station, baka masyadong nalilibang sa Harrison Plaza ang mga lespu ninyo diyan…

Check, check din kapag may time, Gen, Jigz Coronel, please!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top