Friday , April 19 2024
the who

Cong naging sireyna nang maging hyper?

THE WHO si Congressman na sa kabila ng pagiging matapang sa paninindigan ay may malansang dugo umano na dumadaloy sa mga ugat.

Sa totoo lang idol ko si Cong, kasi bukod sa kanyang katapangan ay pak na pak siya sa katalinuhan dahilan para maraming tao ang humanga sa kanya kasama ang asawa niya na ubod nang ganda.

Wooooooooooo! Ikaw na Sir!

Pero noon pa man bago pa siya mapadpad sa Kongreso may naamoy na talaga tayo sa pagkatao ni Cong. Kasi parang ‘di angkop kung minsan ang kanyang kilos.

Hik hik hik hik hik hik!

At nitong nakaraang araw sa isang Committee hearing, nagpasalamat si Cong sa Bureau of Fire Protection (BFP) kasi nag-donate ng isang firetruck para sa mga constituent niya.

Ikinataas ng kilay ng iba pang congressman na naroroon dahil bakit si cong lang ang mayroon at sila ay wala nito.

Matapos ang hearing at dahil siguro sa pag-aalala ni Cong na mainggit sa kanya ang mga kabaro, pinakiusapan niya at pilit na kinombinsi ang ilang opisyal ng BFP na naroroon sa pagsasabing mag-donate rin sila sa ibang mambabatas.

Ang siste parang hindi yata mapagbibigyan ang request ni Sir. Dahil doon, lalo pa niyang ginalingan ang kanyang convincing power na humantong sa pagiging hyper niya at hindi niya napansin na pumipilantik na ang kanyang mga siko, kamay at daliri!

Pati raw pananalita kumulot-kulot na e!

As in grabe raw ‘yong nangyaring evolution ni Cong. Kung makikita mo!

Wahahahahahahaha!

Kayo naman, tamang hinala kayo malay n’yo naman!

Bwar har har har har har!

KIlalanin si Cong na hari ng katalinuhan, hari sa katapangan pero nagiging Reyna kapag mataas na ang adrenalin!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *