Saturday , April 20 2024

Jap PM Abe bibisita sa bahay ni Duterte

DAVAO CITY – Bibisita si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Madame Akie Abe sa bahay ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa siyudad bukas ng tang-hali o sa ikalawang araw ng kanilang official visit sa bansa.

Si Abe ang kauna-una-hang panauhing world leader ng administrasyong Duterte at una rin bisita  sa tahanan ng Punong Eheku-tibo at ang okasyon ay klasipikado bilang pribado o walang media coverage at tanging presidential close-in photographer, writers at cameramen ang papasukin.

Darating ngayon sa Filipinas si Abe para sa dalawang araw na official visit na magsisimula sa pulong nila ni Pangulong Duterte sa Palasyo, paglalabas ng kanilang joint statement, signing of agreements, expanded meeting with Japan and Philippine business delegates at state dinner.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito’y hindi pa tapos ang pulong na magpapasya kung sa bahay ni Elizabeth Zimmerman, unang asawa ni Pa-ngulong Duterte, o sa tahanan ni Honeylet Avancena, common-law wife ng Punong Ehekutibo, bibisita si Abe.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *