Tuesday , January 24 2017
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Saludo ang bayan sa NBI
Saludo ang bayan sa NBI

Saludo ang bayan sa NBI

ANG ganda ng pamasko ng NBI sa sambayanang Filipino dahil ipinakita nila na sila ay pinakada-best pagdating sa lahat ng krimen sa ating bansa.

Of course, dahil ‘yan sa magandang leadership ng ating mahal na Pangulong Duterte sa pangunguna ng ating NBI Director Atty. Dante Gierran na ‘di kailanman nagpapabaya sa kanyang tungkulin.

Talagang laban sa ilegal na droga at corruption sa bansa natin.

P6 bilyon halaga ng shabu ang kanilang nakompiska bago nagtapos ang 2016 sa Little Baguio San Juan city sa mga Chinese nationals.

Ipinakita ni NBI Anti-Illegal drugs chief Atty. Bolivar at mga agents niya kung gaano sila kagaling sa intelligence gathering.

Sinabi ni SOJ Atty. Vitaliano Aguirre, ito na ang breaking the record na illegal drugs ng NBI.

Saludo po sa NBI!

***

Maganda ang ginagawa ngayon ni Customs Commissioner Nick Faeldon.

Marami ang tumino sa Customs at marami na ang ipinagbago riyan. Nawala na kasi ‘yung mga corrupt na tinanggal sa panahon ni  PNoy.

Sobrang higpit at takot ang importer na magpalusot dahil tiyak lugi negosyo nila kapag natimbog sila.

Katuwang ni Faeldon ang God-fearing na si ret. Col. Neil Estrella, director ng CIIS na maganda rin ang integridad sa pagsugpo ng smuggling.

Com. Faeldon at Col. Estrella, Mabuhay kayo!

***

Isa rin ang magaling na si Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno na katulong ni Comm. Faeldon sa revenue collection.

Kaya naman maganda ang takbo ng Aduana dahil nagsasama-sama sila para maayos ang imahe ng BOC.

Lahat ay ginagawa nang tapat ang kanilang tungkulin upang hindi sila mapulaan alang-alang kay Pangulong Duterte.

Ang Enforcement Group sa ilalim ni Nepomoceno ay hindi lang ilang beses nakasakote ng ilegal na droga (cocaine).

Lahat ng tauhan ni Depcom. Nepomuceno ay subok na at magagaling.

Mabuhay ang Enforcement Group at si Depcom. Nepo!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Scroll To Top

Get Widget