Tuesday , October 24 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Obrero inutas sa harap ng pamilya

Obrero inutas sa harap ng pamilya

PATAY ang isang construction worker makaraan pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin sa harap ng kanyang pamilya ng apat na hindi nakilalang mga suspek sa Valenzuela City  kamaka-lawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Tito Siervo, 32, ng Block 17, Lot 2, Northville 2 A, Canumay West ng lungsod.

Ayon kay S/Supt. Supt. Ronaldo Mendoza, dakong 9:00 pm, apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo ang biglang pumasok sa bahay ng biktima at siya ay pinagbabaril.                      (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top