Saturday , April 20 2024
coco martin ang probinsyano

FPJ’s Ang Probinsyano, pinakapinanonood na programa

SA buong taon ng 2016 mula Enero hanggang Disyembre, nanguna at pinanood sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN sa pagtala nito ng average audience share na 45%. Ito ay base sa datos mula sa multinational audience measurement provider na Kantar Media.

Nanguna sa lahat ng time blocks ang ABS-CBN, lalo na sa primetime (6:00-12 m.n) na nakakuha ito ng 49%.

Numero uno rin sa morning block (6:00 a.m.-12 noon) ang ABS-CBN at nakakuha ng 39% ; sa noontime block (12noon-3:00 p.m.) na nagtala  ng 44% ; at sa afternoon block (3:00 p.m.-6:00 p.m.) na nagkamit naman ito ng 44% .

Samantala, ABS-CBN din ang namayagpag sa listahan ng mga pinakapinanood na programa noong 2016, dahil 16 Kapamilya programs ang kasama sa top 20 regularly airing programs mula Enero hanggang Disyembre 2016 (maliban sa Holy week). Una nga sa listahan ang  FPJ’s Ang Probinsyano (40%) na sinundan ngThe Voice Kids (37.6%), Pangako Sa ‘Yo (34.3%), Dolce Amore (33.8%), Pilipinas Got Talent (31.9%), Dance Kids (31%),  Wansapanataym (30.7%), TV Patrol (30.6%), Pinoy Boyband Superstar (30%), at MMK 25 (29.9%).

Kasama rin sa listahan ang Home Sweetie Home (24.9%),  Magpahanggang Wakas (24.4%), Goin Bulilit (23.3%), Rated K”  (21.3%), Minute to Win It: Last Man Standing (20.3%), at  On The Wings of Love (19.9%).

Ang ABS-CBN special na PiliPinas Debates 2016 ang pinakapinanood na programa noong 2016 na nakakuha ng national TV rating na 40.6%. Pasok din sa listahan ang one-time specials na Meron Akong Kwento: Ang Himig ng Buhay Ko (32.9%) at Halalan 2016: Ang Huling Harapan (25.7%).

Ang mga pinakapinanood na programa sa iWant TV noong Disyembre ay FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, Pinoy Big Brother Lucky Season 7, The Greatest Love, Till I Met You, at Magpahanggang Wakas.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *