Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Career ni Sharon, bumobongga na naman
Career ni Sharon, bumobongga na naman

Career ni Sharon, bumobongga na naman

MAGIGING bongga pala ang taong 2017 para sa Megastar na si Sharon Cuneta, magiging busy siya sa kanyang career. Bukod sa pagiging jury ng Your Face Sounds Familiar (Kids edition) ay muli siyang magiging jury sa The Voice Kids Teen Edition plus balik-recording.

Ginawa niya na ang unang single mula sa Star Music, ang Hanggang Dulo, na napapanood na sa You Tube and soon ay magiging part na ng album niya mula sa nasabing record company.

May gagawin din siyang pelikula mula sa Star Cinema, na balik-tambalan nila ng dati niyang mister at ka-loveteam na si Gabby Concepcion. Ang magiging direktor nito ay ang blockbuster direktor na si Ms. Cathy-Garcia Molina.

O, di ba, nakabalik na talaga sa limelight si Sharon?

Pasalamat na lang siya dahil muli siyang tinanggap ng ABS-CBN 2 pagkatapos niya itong iwan noon para lumipat sa TV5 na wala namang nangyari sa kanyang career.

At least, billion ang ibinayad sa kanya ng nasabing network.

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
}