Tuesday , January 24 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie Forteza nahanap kay Addy Raj ang katapat
Barbie Forteza nahanap kay Addy Raj ang katapat

Barbie Forteza nahanap kay Addy Raj ang katapat

SABI ni Direk L.A. Madridejos, sobra raw ang pagka-hyper ni Barbie Forteza na kahit sa kadaldalan, hindi siya matalo-talo ninuman.

But for Barbie herself, tila nakahanap na siya ng katapat niya pagdating dito — ang isa sa mga leading men niya sa upcoming GMA Primetime series na Meant To Be na si Addy Raj.

Inilarawan niya kasi si Addy na pinaka-talkative sa lahat lalo na sa set.

“Pinakamadaldal si Addy, kasi kahit sa set, siya ‘yung laging kumakausap (sa akin) out of everyone. Kasi siya ‘yung laging gising. Siya ‘yung akala ko ako pinaka-hyper, medyo napapantayan niya ‘yung pagka-hyper ko. ‘Tsaka palatawa siya, ‘tsaka funny siyang guy.”

TINAKOT LANG ANG NETWORK

Hahahahahahahaha! Tinakot lang daw ng isang petite na actress ang kanyang mother network.

Dahil matagal na rin siyang natetengga at walang trabaho, nag-issue ng press releases ang kampo ng petite actress na lilipat na raw siya sa rival network ng kanilang studio.

Since parang convincing naman ang kanyang press release, na-rattle siyempre ang kanyang mother network at binigyan kaagad siya ng trabaho. Harharharharharharhar!

Ka-amuse naman. Utakan lang talaga ever. Look at her now, apart from the fact that she’s been given a hefty raise in terms of talent fees, maganda pa raw ang project na ini-offer sa kanya. Hakhakhakhakhakhakhakhak!

IBANG KLASE ANG HUSAY
SA PAG-ARTE

Bagama’t mahuhusay ang mga artistang kanyang kasama sa soap nilang The Greatest Love which airs after Doble Kara, hindi pa rin mapasusubaliang napakahusay nitong si Sylvia Sanchez.

For one. kuhang-kuha niya ang nuances ng isang taong unti-unting sinisira ng Alzheimer’s disease ang buong pagkatao.

Ang galing-galing niya sa kanyang mga close-up shots at parang totoo talagang she is deeply troubled by her ailment.

Come to think of it, sino ba naman ang mag-aakalang ang protegee na ito ni Bhabette Corcuerra na nagsimula bilang isang dancer sa Thunderdome ay magme-metamorphose into such a fine actress?

Sa soap nila, ang nakaaagapay lang sa kanya when you speak of acting virtuousity ay si Andy Eigenmann na perpetually in character rin at never na lumaylay ang acting.

Iba talaga ang genes ni Jacklyn Jose na nananalaytay sa batang ito.

Going back to Sylvia, in the event na magtapos ang soap, nakasisiguro kaming mabibigyan pa rin siya ng magandang follow-up dahil isa siyang no nonsense actress.

Napapanood nga pala ang The Greatest Love right after Doble Kara.

SUPER CLOSE TALAGA!

Matindi palang talaga ang intimacy nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

Imagine, kasama pala siya at ang kanyang pamilya nang magbakasyon sina Jolo Revilla at Jodi sa Iceland.

Kay Richard Yap ay hindi naging ganito ka-intimate si Jodi.

Anyway, speaking of Ser Chief, mukhang malaki ang kanyang disappointment dahil si Robin Padilla raw ang makakasama ni Jodi sa susunod niyang project sa ABS CBN.

Sa totoo lang naman, may arrive pa rin ang tandem nina Jodi at Richard kung ikokompara lang naman sa Jodi and Robin tandem.

Ang mabuti pa para walang samaan ng loob, why not make it a Jodi, Richard and Robin triumvirate?

Parang mas maganda pa at fierce ang dating, ‘di ba naman?

‘Yun nah!

PURO RAW PANLALALAKI
ANG INAATUPAG

Sa lahat namang naging international beauty titlist, parang ang morenang beauty queen ang wala na raw inatupag kundi manghipat ng lalaki. Hahahahahahahahahahaha!

Since na makuha niya ang korona, hindi siya natulad kay Megan Young na pawang mga charitable causes ang pinagbuhusan ng panahon.

Ito yatang babaeng ito ay puro mga ombre ang pinagkakaabalahan. Parang dick-hungry raw ang dating ever. Hahahahahahahahahaha!

Hay, naku, tingnan natin kung wala ka na sa posisyon kung makahihipat ka pa ng mga lalaki.

‘Yun nah!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top

Get Widget